Magsasagawa ng inspeksiyon sa mga motorista ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa nalalapit na inagurasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo a-30.
Ayon kay PNP officer-in-charge PLT.Gen. Vicente Danao Jr., kanilang isasalang sa inspeksiyon ang lahat ng mga motorista o sasakyang dadaan sa mga kalsadang patungo sa lugar na pagdarausan ng inagurasyon ni PBBM.
Sinabi ni Danao, na tanging ang mga nasa guest list lamang na may “confirmed attendance” ang papayagang makapasok sa National Museum.
Nilinaw ni Danao na maging ang mga guest at kanilang mga staff na dadalo sa inugurasyon ay isasalang din sa mahigpit na security check.
Samantala, nanawagan naman si PNP PIO Chief PLT.Gen. Roderick Alba sa mga dadalo sa nasabing event na huwag magdala ng mga prohibited items kabilang na ang mga sumusunod:
- backpacks at malalaking bags
- mga matutulis na bagay katulad ng cutters, blades, kutsilyo at iba pa.
- alak at yosi
- ibat-ibang klase ng kemikal
- fireworks at pyrotechnics