Dedma ang aktres na si Bea Alonzo sa naging patutsada sa kaniya ng batikang showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis.
Matatandaang nito lamang Martes ay muling tumirada ng mabibigat na salita si Manay Lolit sa kaniyang Instagram account laban sa aktres.
Nabatid na ikinukumpara ni Manay Lolit si Bea kung saan tila nawawala na umano ng ang aktres sa mundo ng showbiz.
Maging ang buhay pag-ibig at pasya ng aktres sa kaniyang buhay ay pinanghimasukan na rin ng naturang talent manager kung saan, sinabi ni Manay na dapat sa edad ni Bea ay meron na itong asawa at mga anak.
Sa kabila nito, nanatiling dedma si BEA sa isyu kung saan, abala ito sa kabi-kabilang endorsements, paggawa ng content sa kaniyang YouTube channel at sa estado ng kaniyang puso katuwang ang Boyfriend na si Dominic Roque.