Nagpaliwanag sa publiko ang Department of Health (DOH) hinggil sa pagbago ng pamantayan sa pagtatakda ng alert level classification sa bansa.
Ayon Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kailangan na nilang alisin ang sukatan sa two-week growth-rate dahil hindi umano ito masyadong mabilis sa kabila ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon, hindi lamang puro numero sa kaso ng nakakahawang sakit ang kanilang tinitignan dahil hindi na sensitibo ang 2-week growth rate kung ikukumpara sa dating mga kaso na naitatala ng kanilang ahensya.
Dagdag pa ni Vergeire, nakatuon ngayon ang DOH sa Health-Care Utilization Rate kung saan, kahit tumataas ang kaso ng COVID-19 at less than 50% ang bilang ng na o-ospital, hindi na kailangan pang itaas ang Alert level classification sa bansa.