Bumaba ang growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila kahapon.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, indikasyon na ito na tataas na ang kaso sa rehiyon na posibleng maganap sa una o ikalawang linggo ng Hulyo.
Pero giit ni David, hindi pa pinal ang datos at posible pang magbago kaya dapat ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum health protocols.
Ngayong araw, nakikita ng OCTA na papalo sa 1,000 hanggang 1,100 ang maitatalang bagong COVID-19 cases sa bansa.