Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nakakakita sila ng positibong resulta sa nagpapatuloy na vaccine trial laban sa African Swine Fever (ASF.)
Ayon kay Reildrin Morales, Director ng DA-Bureau of Animal Industry (DA-BAI), ongoing na ang phase 2 ng clinical trial at inaasahang makakapaglabas ng report ngayong linggo.
Ngayong Hunyo unang sinabi ni DA na ilalabas ang resulta ng trial para sa ASF vaccines.
Sa oras na matapos ang report, isasama ang mass vaccination laban sa ASF sa ibibigay na rekomendasyon kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa huling datos, 36 na barangay na lang sa Pilipinas ang mga aktibong kaso ng ASF.