Nagpasalamat ang National Center for Commuter Safety and Protection (NCCP) sa pamahalaan sa dalawang pisong dagdag-pasahe sa mga jeep sa bansa.
Simula kasi bukas, July 1, nasa 11 pesos na ang minimum na pamasahe sa jeep sa Metro Manila gayundin sa Region 3 at Region 4.
Ayon kay NCCP Chairperson Elvira Medina, maluwag na tinatanggap ng kanilang grupo ang taas-pasahe dahil naiintindihan nila aniya ang sitwasyon ng mga drayber.
Nabatid na naghain ng petisyon para sa naturang pasahe ang mga tsuper kasunod ng walang humpay na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.