Nanindigan ang Taiwan sa kanilang karapatan at planong magsagawa ng live-fire drills sa paligid ng Ligaw Island, na bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa Taiwanese Foreign Ministry, palagi naman silang nagpapalabas ng babala tuwing nagsasagawa ng kanilang military exercises.
Ang nasabi anilang isla ay bahagi ng kanilang teritoryo at ginagawa lamang nila ang mga aktibidad na alinsunod sa International Law.
Una nang tinutulan ng Department of Foreign Affairs ang live fire drills na itinuturing na iligal dahil isasagawa ito sa Ligaw Island o Itu Aba na bahagi ng Kalayaan Islands, Palawan.