Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Caloy.
Huling namataan ng PAGASA ang nasabing sama ng panahon, 575 kilometers, kanluran ng Iba, Zambales.
Kumikilos naman ang bagyo sa pa-kanluran pero mabagal ito habang tinutumbok ang Southern China.
Taglay nito ang lakas na hanging 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Wala namang itinaas na anumang public storm warning signal.
Sa kabila nito, magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ang monsoon trough at southwest monsoon o habagat na pinaigting ng Bagyong Caloy.