Nagpaabot ng pagbati si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior matapos ang inagurasyon nito kahapon.
Nagpadala ng congratulatory message si Xi sa pamamagitan ng Chinese Embassy, kung saan nagbalik-tanaw siya sa mga mahalagang napagkasunduan nila ni Marcos sa pagpapanatili bilang “mabuting magkapitbahay at magkaibigan” ng Pilipinas at Tsina.
Ayon sa embahada, handa si Xi na makipagtulungan kay Pangulong Marcos sa paglalatag ng landas para sa pagpapa-unlad ng bilateral ties ng dalawang bansa.
Magugunitang nag-usap ang dalawang leader sa pamamagitan ng telepono matapos ang pagkapanalo ni PBBM sa Presidential Elections noong Mayo.
Kahapon naman ay personal na dumalo sa inagurasyon si Chinese Vice President Wang Qishan bilang special representative ni Xi.