Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panunumpa ng mga miyembro ng kanyang gabinete kabilang na si Vice President Sara Duterte na bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Bukod kay Duterte, kabilang din sa mga nag-oath taking sina Executive Secretary Victor Rodriguez; Secretaries Benjamin Diokno ng Finance; Jose Crispin Remulla ng Justice;
Emmanuel Bonoan ng Public Works and Highways; Bienvenido Laguesma ng Labor and Employment; Susan Ople ng Migrant Workers Affairs; Alfredo Pascual ng Trade and Industry;
Erwin Tulfo ng Social Welfare and Development; Benhur Abalos ng Interior and Local Government; Cristina Frasco ng Tourism; Ivan John Uy ng Information and Technology;
Jaime Bautista ng Transpotation; Amenah Pangandaman ng Budget and Management at Conrado Estrella, III ng Agrarian Reform.
Samantala, nanumpa rin kay PBBM ang kanyang panganay na si Sandro Marcos, bilang kinatawan naman sa kongreso ng unang distrito ng Ilocos Norte.