Inaprubahan sa full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management ang rehabilitation and recovery plan para sa bagyong Odette.
Kasama na rito ang Result-Based Monitoring and Evaluation System para sa National Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020-2030 at ang proposed guidelines sa pagpili mula sa civil society organization at pribadong sektor.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang top priority programs at pagpopondo ng national DRRM at regular budget hanggang 2025.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, napag-usapan din sa nasabing pagpupulong ang kalagayan ng bulkang Bulusan sa Sorsogon at mga naging hakbang ng pamahalaan para maalalayan ang mga naapektuhan ng aktibidad nito.