Hinikayat ng isang vaccine expert ang publiko na magpabakuna na ng booster shot para makasigurong makaiwas sa peligro ng COVID-19.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso sa bansa.
Ayon kay Nina Gloriani, chairperson ng Advisory Council of Experts, nasa 40 milyong Pilipino pa ang hindi pa tumanggap ng booster shots kaya hindi inaalis ang posibilidad na mahawaan ito ng COVID-19.
Kapag aniya naabot ang nabanggit na bilang ay saka isunod ang second booster shot sa mga sektor na kailangan ang dagdag na proteksiyon laban sa nabanggit na virus.
Hindi aniya dapat na madaliin ang pagtuturok ng second booster sa ibang mga sektor dahil kailangan muna ng sapat na datos para rito.