Siniguro ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) na ipagpapatuloy ang pangako nitong pagpapahusay sa “participatory governance” .
Kasunod ito ng katatapos lamang na paggunita ng ika siyam na taon ng ahensya.
Layunin ng naturang hakbang na mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan para sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangingisda batay sa prinsipyo ng mabuting pamamahala.
Maliban dito, tiniyak din ng ahensya ang transparency at accountability gayundin ang pagsasaayos sa sistema ng check and balance.