Sinampahan na ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 22 pulis na sangkot sa pagkasawi ng 8 preso sa New Bilibid Prison.
Ayon sa NBI, nagmula sa National Capital Region Police Office ang mga pulis at nakadestino sa Bureau of Corrections nang masawi ang mga inmates.
Batay pa sa imbestigasyon, posibleng hindi namatay sa COVID-19 ang mga bilanggo dahil sa sari-saring iregularidad.
Ginamit lang umano ng mga ito ang COVID-19 pandemic para takpan ang pagpaslang sa kanila.
Hindi rin nagtutugma ang mga salaysay ng mga pulis tungkol sa pagkakahawa umano sa COVID-19 ng mga inmate, kumpara sa salaysay ng mga testigo, records, at CCTV footage na nakuha mula sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ang reklamo ay inihain noon sa Department of Justice.
Hindi naman nagbigay ng ibang impormasyon ang BuCor dahil sa Data Privacy Act.