Humihina ba ang iyong buto o palagiang nawawalan ng balanse kada tumatayo mula sa pagkahiga o pagka-upo, madalas magkatrangkaso, at nakararanas ng hair loss o muscle pain?
Kung may sintomas na gaya nang nabanggit, maaaring kulang ang iyong katawan sa Vitamin D.
Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng mababang antas ng Vitamin D sa katawan ay naiuugnay sa mataas na panganib ng impeksiyon, partikular ang sakit tulad ng Arthritis, Type 1 Diabetes at paghina ng Immune System.
Kaya upang maiwasan ang Vitamin D deficiency, narito ang home remedies para sa iyo;
- Uminom ng Vitamin D supplement,
- Magpa-araw sa loob ng 10 minuto o 30 minuto simula alas- 7 ng hanggang alas-9 ng umaga.
- Kumain ng itlog isang beses sa isang araw at
- Kumain ng fatty fish gaya ng bangus, salmon, tuna at mackerel.
Ayon sa eksperto, ang pagbababad sa ilalim ng araw tuwing umaga ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling healthy ang katawan, ngunit babala ng mga ito, iwasang magpa-araw simula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon upang makaiwas naman sa Skin Cancer. —sa panulat ni Joana Luna