Makikipagtulungan ang Department of Trade and Industry(DTI) sa Department of Agrcilture (DA) para palakasin ang Food Security Program ng gobyerno.
Ito ang sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual kung saan isusulong ng kagawaran ang food bio chains, pag-upgrade sa storage at cold chain facilities, gayundin ang digital transformation upang suportahan ang Urban Food Production kaugnay sa supply chains.
Bukod dito, maglalaan din ang kalihim ng sapat na pondo para sa mga kooperatiba lalo na ang mga producer ng niyog, kape at cacao.
Magkakaroon naman ng promotion ng industry cluster sa bawat rehiyon at iuugnay ang state universities and colleges sa local entrepreneurs para makasabay sa global competitiveness.
Samantala, ipinaliwanag ni Pascual na hindi lamang NCR ang kanilang tututukan para masigurong walang maiiwan tungo sa kaunlaran.