Hinimok ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na pagkalooban din ng subsidiya ang mga tourism shuttle operators.
Paliwanag ni Arrogancia, apektado rin ang tourism shuttle operators ng walang prenong pagtaas ng presyo ng langis.
Bagamat maganda aniya para sa sektor ang pagtaas ng dolyar kontra piso, nababawi lamang din ito dahil sa napakataas na presyo ng imported na produktong petrolyo.
Sa ngayon ay tanging mga PUV driver tulad ng jeepneys, mini buses, UV express, taxis at tricycles, transport network vehicle service (TNVS), motorcycle taxis at delivery services ang kabilang sa mga benepisyaryo ng ‘fuel subsidy’ ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)