Dalawampu’t isang volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, nagbuga ang bulkan ng 151 tonelada ng sulfur dioxide noong Mayo 1 at walang plume emission na naitala mula rito.
Sa ngayon ay nananatili ang alert level 1 sa Kanlaon Volcano at nagbabala ang PHIVOLCS sa biglaang steam-driven o phreatic eruptions dahil sa aktibidad nito.