Patuloy na minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng Kanlaon Volcano.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang parametro na mayroong umaakyat na magma, na batayan upang itaas ang alert level ng bulkan.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS nitong linggo, nakapagtala ng apatnaput isang pagyanig sa palibot ng Bulkang Kanlaon simula Hunyo 30.
Kaugnay nito, pinapayuhan ni Solidum ang mga mamamayan na iwasang pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone mula sa bulkan.