Karagdagang 133 flights ang kinansela ng PAL o Philippine Airlines ngayong APEC Summit.
Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, kabilang sa dagdag na 133 cancelled flights ang 112 domestic flights at 21 international flights.
Sinabi ni Villaluna na nakatanggap sila ng abiso mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na sundin ang “no fly zone” kung saan ipagbabawal ang commercial aviation sa 40 nautical mile radius mula sa Philippine International Convention Center o PICC mula November 18 at 19.
Magbabalik aniya sa normal ang kanilang operasyon sa sbado Nobyembre 21.
By Meann Tanbio