Inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang big time oil price rollback o bawas presyo sa diesel at kerosene simula bukas, Hulyo a-singko.
Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Cleanfuel, Seaoil, Petro Gazz, Petron at Caltex na mayroong bawas na tatlong piso sa kada litro ng diesel.
Habang 3 pesos ang 40 centavos naman ang rollback sa kada litro ng kerosene ng Petron, Caltex at Sea Oil.