Hiniling sa Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panatilihin ang pagkakaisa sa pagbabantay sa mga institusyon upang masiguro ang mas mapayapang buhay ng mga Pilipino.
Sa pagdalo ng Pangulo sa PSG Change of Command Ceremony sa Malacanang Park, manila kanina ay sinabi nito na hindi lamang ang pagprotekta sa presidente at first family ang tungkulin ng PSG kundi pati na rin ang mga dayuhang opisyal na bumibisita sa bansa.
Aniya mahalaga ang misyon ng psg kung kaya’t piling-pili ang mga kinukuha para maging kasapi nito.
Samantala sa naturang seremonya ay opisyal nang pinalitan ni Colonel Ramon P. Zagala si dating PSG Commander Brigadier General Randolph G. Cabangbang na nagsilbi sa ilalim ng Duterte administration.