Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais niyang mapalakas at madagdagan ang produksiyon ng bigas, mais, baboy at manok sa bansa bunsod ng nakaambang krisis sa pagkain.
Ayon sa Pangulo, upang matugunaang napipintong krisis sa pagkain ng bansa ay kailangang mapataas ang produksiyon ng nito susunod na mga buwan.
Aniya dapat na tutukan ito ng gobyerno para hindi malagay sa alanganin katulad na lamang ng paghahanda ng ibang mga bansa.
Ayon sa punong ehekutibo, kailangan ding matiyak na may sapat na pagkain ang mga tao, at masigurong kaya nitong bilhin ang kanilang mga pangangailanga dahil balewala rin kung hindi kayang bilhin ang mga tao.
Samantala, tiwala naman si Pangulong Marcos Jr. na basta matutukan ang mga nais nitong mangyari para sa kapakanan ng sambayanan ay magagawa ito sa loob ng anim na taon ng kanyang administrasyon.