Asahan na magiging maaliwalas ang panahon sa buong bahagi ng Luzon pero posibleng ulanin sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng localized thunder storm.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas bunsod parin ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Makakaranas naman ng mainit at maalinsangang panahon sa Mindanao pero may tyansa ng mga isolated thunder storm sa hapon o gabi.
Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na panatilihin ang pagdala ng payong maging ng iba pang panangga sa biglaan pagbuhos ng ulan partikular na sa hapon o sa gabi.
Wala namang nakataas na gale warning ang PAGASA kaya diretso at malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:31 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.