Nareskyu ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 24 na tripulante makaraang sumadsad ang sinasakyang barko sa Barangay Bani, Masinloc, Zambales.
Natukoy ang naturang barko na isang LCT AVIVA 80 na sumadsad matapos hampasin ng malakas na hangin at malalaking alon.
Agad na humingi ng tulong sa mga tauhan ng PCG at mga Police personnel ang kapitan ng barko kung saan, gumamit sila ng lubid upang maibalik sa normal na posisyon at lugar ang naturang barko.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Masinloc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang iligtas ang kapitan at chief mate nito na kapwa humiling na manatili sa sumadsad na barko.
Ayon sa Marine Environmental Protection Group ng PCG, walang nakitang bakas ng natapong langis sa lugar habang patuloy pang iniinspeksiyon ang paligid ng karagatan matapos ang insidente.