Sumampa na sa 8.3% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region mula sa dating 7.5% noong June 29.
Gayunman, nilinaw ni OCTA fellow, Professor Guido David na ang nasabing bilang ay hindi gaanong kataas kumpara sa itinatakda ng Department of Health na 6%.
Ayon kay David, sa ibang lugar sa Metro Manila ay umaabot na sa mahigit 6% ang Average Daily Attack Rate (ADAR).
Dahil anya sa mabagal na growth rate, posibleng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Sa kasalukuyan ay nasa 50% ang growth rate sa NCR habang nasa 1.5% hanggang 1.6% ang reproductive number at tinaya sa 3.6 per 100,000 population ang ADAR.
Sa kabila nito, bahagyang nadaragdagan ang mga kaso sa Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Benguet at Western Visayas, subalit hindi naman mataas.
Ilan sa mga dahilan nang nito ang Omicron subvariants BA.4 at BA.5 at humihinang immunity sa ilang rehiyon.