Bahagyang mataas ang bilang ng mga aplikante sa unang araw ng pagpapatuloy muli ng voter registration sa bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5.
Inihayag ni acting Comelec spokesman, Atty. Rex Laudiangco na batay sa kanilang initial assessment report mula sa field offices ay naging mapayapa at maayos ang unang araw ng registration.
Kabilang anya sa nakapagtala ng mataas na bilang ng aplikante ay mula sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions 2, 3, 4-A, 5, 6, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ilalim ng Comelec Resolution 10798, lahat ng field offices ay dapat magsumite ng daily reports hanggang ala-7 ng gabi at lahat ng rehiyon ay dapat magsumite rin ng reports sa Election and Barangay Affairs Department ng poll body.
Magtatapos ang voter registration hanggang Hulyo a – 24.