Maagang inumpisahan ang kauna-unahang cabinet meeting ng Marcos administration na isinagawa sa Aguinaldo State dining room ng Malacañang.
Binuksan ang pagpupulong sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa pagsisimula ng cabinet meeting, agad na inalam ni Pangulong Marcos ang sitwasyon ng kasalukuyang ekonomiya ng bansa, kung saan unang hiningian ng update ang National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF).
Paliwanag ng punong-ehekutibo kailangang iprayoridad ang pagbibigay solusyon sa problema ng ekonomiya kasunod na rin ng mga kinakaharap na krisis ng bansa. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)