Tuluyan nang isinara ng Korte Suprema ang kasong inihain ni dating Cadet Aldrin Jeff Cudia laban sa Philippine Military Academy o PMA.
Ito’y matapos pinal nang ibasura ng kataas-taasang hukuman ang ikatlong motion for reconsideration na inihain ni Cudia na humihiling na ilabas ang kanyang academic records na kinabibilangan ng diploma, certificate of good moral character, honorable dismissal at certificate of discharge.
Binigyang-bigat ng Supreme Court ang honor code sa PMA na may kapangyarihan na gumawa ng paglilitis sa mga administrative cases nang hindi na isinasailalim sa judicial proceedings.
Sinabi rin ng Korte Suprema na sa simula pa lamang bago pumasok sa PMA ay alam na ni Cudia ang kahalagahan ng honor code at ang paglabag dito ay mangangahulugan ng pagsipa sa kanya sa nasabing institusyon.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)