Mas ikinukunsidera ng Marcos Administration na palakasin ang produksyon ng palay at mais sa halip na mag-import ng karagdagang supply upang ma-stabilize ang presyo ng pagkain.
Ito ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang unang cabinet meeting, kahapon.
Ayon sa Pangulo, hangga’t maaari ay dapat bawasan ang pag-i-import ng mga food product ng Department of Agriculture hanggang katapusan ng taon.
Gayunman, dapat anyang ipagpatuloy ang pag-import ng ilang produkto tulad ng manok dahil sa kakulangan ng feeds.