Bahagyang bumaba sa 10,032 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kumpara sa 10,094 noong Lunes.
Sa datos ng Department of Health, nakapagtala ng karagdagang 823 COVID-19 cases kahapon kaya’t umakyat sa 3, 710, 145 ang total caseload.
Kabilang na rito ang 3, 639, 503 recoveries at 60,610 deaths.
Ang mga bagong infections ay bahagyang mababa kumpara sa nakalipas na linggo na hindi natinag sa 1,000 level gaya noong lunes na umabot sa 1,188 ang new cases.
Iniuugnay ang mababang bilang sa kaunting tests na isinagawa noong Linggo, Hulyo a – 3.
Nananatili ang Metro Manila sa may pinaka-maraming COVID-19 cases sa lahat ng rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo na 5,918; na sinundan ng CALABARZON, 2,353 at Western Visayas, 1,043.