Inirekomenda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng 8 counts of murder laban sa 22 security at medical personnel ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Kaugnay ito sa kaduda-dudang pagkamatay ng ilang High profile inmate sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Simula Mayo hanggang Hulyo 2020, 8 high-profile inmate ang namatay sa loob ng Bilibid, kabilang ang mga convicted drug lord na sina amin Boratong at Jaybee Sebastian.
Kasama rin sa namatay ang mga kapwa drug lord na sina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez at Willy Yang.
Ang rekomendasyon ng NBI ay batay na rin sa hawak nitong ebidensya tulad ng testimonya ng mga witness at hindi magkakatugmang record ng Bureau of Corrections, NCRPO at NBP.
Ipinauubaya na ng NBI sa mga prosecutor ng Department of Justice ang pagdetermina sa mga nakalap na ebidensya.