Namahagi ng lupang sakahan para sa mga benepisyaryong magsasaka sa Lalawigan ng Isabela ang Department of Agrarian Reform (DAR).
Aabot sa 40 ektarya ng lupain o katumbas ng 42 Certificates of Land Ownership Award (CLOAS) ang naipamahagi ng DAR sa 34 na farmer beneficiaries.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer II Eunomio Israel, mas pinalawig at pinalakas pa ng kanilang ahensya ang pagbibigay ng lupang sakahan dahil ang agrikultura ang siyang pangunahing pinagmumulan ng kita ng mga magsasaka.
Maliban sa lupa, nagbibigay din ang ahensya ng mga serbisyong pang suporta sa benepisyaryo na miyembro ng mga kooperatiba at legal assistance, upang matugunan ang mga pangangailangan at karapatan ng isang Agrarian Reform Beneficiary (ARB) sa tulong narin ng DAR-Assisted Cooperative para sa Program Beneficiaries Development Division.