Ipinakita sa mga magsasaka ng Talavera at Science City of Muñoz, Nueva Ecija ni AgriDom operations manager Remus Tancontian ang pagsasabog ng mga binhi sa isang ektarya gamit ang Agricultural Drone o “drone seeding” na kayang tapusin sa loob lamang ng 30 minuto.
Sa pamamagitan ng mga drone seeding, kaya nitong mapantay ang distribusyon ng binhi at aabot lamang sa 40 kilograms ang magagamit na binhi kada ektarya na malaking tipid para sa mga magsasaka.
Ang naturang teknolohiyang ay may kakayahang umani gaya ng manual broadcasting na maari ring magamit sa pagsasabog ng abono at iba pang pesticides.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) plano nilang makabili ng nasabing kagamitan upang ipamahagi sa mga magsasaka para sa mas mabilis na produksyon ng palay na makakabawas sa gastos ng mga magsasaka.