Sinampahan na ng kasong murder ang suspek sa shooting incident sa isang shopping center sa Copenhagen, Denmark, na ikinasawi ng tatlong indibidwal.
Ayon sa mga otoridad, may mental health issues ang 22 anyos na suspek, at walang indikasyon ng terror motive ang ginawa nito.
Nabatid na maliban sa baril ay mayroon ding kutsilyo ang suspek, at random ang naging target nito sa pamamaril.
Sinabi naman ni Prosecutor Søren Harbo na mamanatili ang suspek sa isang mental health facility sa loob ng 24 araw habang iniimbestigahan ng mga otoridad ang krimen.