Naitala ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 70 kaso ng Omicron subvariants ng BA.4, BA.5, at BA.2.12.1.
Ayon sa DOH, 43 kaso ng BA.5 ang natukoy, kung saan 42 ang local cases habang isa naman ang Returning Overseas Filipino.
20 naman ang nagpositibo sa BA.2.12.1 habang pito ang naitalang kaso ng BA.4
Sinabi pa ng ahensya na mayroong 190 cases ng Omicron variant of concern mula sa pinakahuling whole genome sequencing na isinagawa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.
Sa ngayon ay umabot na sa 7,919 ang kabuuang bilang ng kaso ng Omicron sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili sa low risk category ang total hospital bed utilization sa buong bansa at wala pang nasasawi mula sa naitalang kaso ng Omicron sub-variants.