Inaresto ang dalawang Chinese national matapos makuhanan ng mahigit 100 milyong pisong halaga ng crystal meth o shabu sa buy-bust operation sa Malate, Maynila.
Ayon sa Manila Police District, nahuli sina Binhu, 42 yrs old, Jiankang Liang, 42 yrs old, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Bay Terminal Parking Lot sa Barangay 720.
Nasamsam din ng mga otoridad mula sa mga lalaki ang humigit kumulang 15 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 102 milyon piso, dalawang piraso ng 1,000 piso, isang android phone at isang gray metallic Toyota Fortuner.
Samantala, inilagay na sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region (NCR) ang mga inaresto.