Posibleng ilabas ng Department of Social And Welfare (DSWD) sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo ang malinis na listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).
Ito ang inihayag ni DSWD Sec. Erwin Tulfo kung saan mismong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang nag-utos sa kanya sa naganap na kauna-unahang full cabinete meeting kahapon para tanggalin na sa listahan ang mga hindi kwalipikado sa 4PS.
Aniya, layunin nitong mapangasiwaan ng maayos ang pondo sa 4PS lalo na’t nagtitipid ang gobyerno dahil sa kakulangan ng pambansang budget.
Maliban dito, posibleng kasuhan din ng kagawaran ang mga mapapatunayang hindi kwalipikado ngunit nasa listahan ng mga 4PS beneficiaries.