Tinatayang 2.4 na bilyong tao sa buong mundo ang walang disenteng palikuran habang mahigit isang bilyon naman ang dumudumi kung saan-saan.
Ayon sa United Nations o UN, ito’y dahil na rin sa kawalan ng “toilet bowl” o kubeta lalo na sa mga refugee camps o mga lugar na mayroong giyera.
Ibinala tuloy ng UN na malaki ang posibilidad na magdulot ito ng panganib at karamdaman sa mga mamamayan.
Kaya naman, sa Huwebes o Nobyembre 19, kasabay ng “World Toilet Day” ay muling ipaaalala ng UN ang kahalagahan ng sanitasyon o kalinisan.
Nananawagan din ang UN para sa ligtas at malinis na pasilidad ng mga bata at kababaihan.
Noong 2013, matatandaang napaulat na milyun-milyong Pinoy ang walang kubeta at sa labas na lamang ng kanilang mga bahay nagsisidumi.
By Jelbert Perdez