Target ng Commission on Population and Development (POPCOM) na mapanatili ang rate ng paglaki ng populasyon ng bansa sa 1%.
Inihayag ni Executive Director Juan Antonio Perez III, na ni-re-appoint sa naturang posisyon, na inaasahan nilang tataas muli ang populasyon lalo’t unti-unti nang bumabalik sa normal ang ekonomiya.
Gayunman, inaasahan din anya nilang mananatili ito sa 1%.
Kung noon ay 1.5 million ang nadaragdag sa populasyon kada taon maaaring umabot na lamang ito ng 1-milyon kada taon na mas magiging manageable para sa gobyerno.
Para makamit ang 1% o 1-milyong population growth rate, tiniyak ni Perez na ipagpapatuloy ang mga programa ng POPCOM sa responsableng pagiging magulang at pagpaplano ng pamilya.