Patay na nang matagpuan ang 24 anyos na babae sa Malolos, Bulacan matapos tatlong araw na mawala.
Kinilala ni Bulacan Police Director, Colonel Charlie Cabradilla ang biktima na si Princess Dianne Dayos, residente ng Barangay Tabang, sa Guiguinto, Bulacan.
Natagpuang wala nang buhay ang katawan ni Dayos kahapon malapit isang kanal na suot pa rin ang damit nito nang siya ay mawala.
Pagnanakaw naman ang tinitignang anggulo ng mga otoridad dahil hindi na nakita ang wallet at cellphone ng biktima.
Isa si Dayos sa apat na babae sa Bulacan na agad na lang nawala at kumalat pa ang pangalan sa social media.
Itinaas naman ng mga otoridad sa 300,000 pesos ang pabuya sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga salarin.
Pinawi din ng Bulacan PNP ang pangamba ng mga ilang residente at sinabing hindi hinoldap ang apat dahil dalawa sa mga ito ay hindi nagpaalam, nakipag-party at nakipag-swimming pa.