Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na i-refund sa kanilang mga customers, ang 21.8 billion pesos na distribution-related charges.
Ayon kay ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera, dapat ibalik ng Meralco sa kanilang customers ang average na 0.4790 centavos per kilowatt hour na nasingil mula July 2015 hanggang June 2022.
Ito na ang pang-apat na refund ng Meralco sa kanilang mga customers matapos ang pagbalik ng bayad noong January 27, 2021; February 23, 2022 at June 16, 2022.
Inaasahang maipapatupad ang refund sa susunod na billing cycle ng Meralco o ngayong Hulyo.