Nasa ilalim na ng direct supervision ng Office of the Vice President (OVP) ang Freedom of Information (FOI) program matapos na ipag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang re-organization ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ang FOI program na operational noong unang taon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbibigay-daan sa mga mamamayang Pilipino na mag-request ng anumang impormasyon tungkol sa transaksyon at operasyon ng gobyerno hangga’t hindi ito nalalagay sa panganib ang privacy ng national security.
Sa Executive Order (EO) no. 2, pinagsama rito ang FOI program management office, good governance office at ang Bureau of Communications Services sa Philippine Information Agency (PIA), na ngayon ay nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ng OVP.
Samantala sinabi ni Press Secretary Attorney Trixie Cruz-Angeles na hindi pa napag-uusapan ang mga detalye ng EO at kung paano ito makakaapekto sa mga operasyon at serbisyo ng naturang programa.