Hinirang bilang bagong Chairman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si dating defense secretary Delfin Lorenzana.
Mababatid na ang BCDA ay isang government-owned and controlled development corporation na itinatag upang mas paigtingin ang dating US military bases at properties at ang benepisyaryo ay ang Armed Forces of the Philippines.
Samantala, bukod kay Lorenzana ay nanumpa rin sina Cesar Chavez na itinalagang Undersecretary ng Department of Transportation for Rails, Diorella Gamboa Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie Television Review and Classifications board (MTRCB), Chairman Jose Calida ng Commission on Audit at Franz Imperial, Director ng Radio Television Malacañang.
Kasama ring nanumpa sa palasyo sina Emerald Ridao bilang Undersecretary ng Office of the Press Secretary, Honey Rose Mercado bilang Undersecretary ng Presidential Management Staff, Bianca Cristina Cardenas-Zobel Bilang Social Secretary at Gerald Baria naman bilang Undersecretary ng Office of the President.