Mararanasan sa ilang bahagi ng bansa ang La Niña phenomenon hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay PAGASA Administrator, Undersecretary Vicente Malano, maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Mindanao, Eastern Visayas, Central at Eastern Luzon.
Mga pag-ulan naman dulot ng low pressure area ang mararanasan sa ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao lalo na sa Cagayan De Oro.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, Central Philippines, Bicol Region, Palawan, at Mindanao dahil naman sa LPA na nakapaloob sa Inter-Tropical Convergence Zone.