Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang-batas na magpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.
Sa House Bill 937 ni Leyte Rep. Richard Gomez, i-uurong nito sa December 5, 2023 ang halalan na magaganap sana sa December 5, 2022.
Ang mga mananalong kandidato naman ay manunungkulan na simula tanghali ng January 1, 2024 habang mananatili sa pwesto ang mga kasalukuyang opisyal maliban kung matatanggal o masususpinde.
Layunin ng bill na makatipid sa pondo ang gobyerno para magamit sa mga programa laban sa COVID-19.
Inaasahang papalo sa 8.14 billion pesos ang gagastusin ng gobyerno sa Barangay at SK Polls.