Ipinalilibre ang Value Added Tax (VAT) sa mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Ito ay batay sa House Bill No. 161 o “Vat Exemption for Covered Electric Billing Act of 2002” na inihain nina Sagip Party-List Representative Rodante Marcoleta at Caroline Tanchay sa 19th Congress.
Sinabi ng mga mambabatas, ang kuryente ay hindi na luho, kundi pangangailangan ng tao.
Dahil dito, mahalaga anila na mabigyan ng kaunting suporta ang mga low-income earners na hindi na makasabay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kung maisasabatas ito ay nasa 240 pesos kada buwan na bayarin sa kuryente ang matitipid ng mga low-income households.