Nagpahayag ng pakikiramay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng naiwan nang namayapang si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sa inilabas na pahayag ng dating Pangulo, inilarawan nito si Abe bilang mabuti at loyal na kaibigan na matibay ding tagasuporta ng administrasyon.
Ang mga bagay na hindi malilimutan ng lahat sa namayapang Prime Minister ay ang pagiging compassionate nito sa serbisyo at hindi matatawarang pamumuno.
Itinuturing naman ni Duterte si Abe bilang isa sa mga Most Influential World Leader.
Edad na 67-anyos pumanaw ang dating Japanese Prime Minister matapos ang assasination na naganap kahapon.