Inihayag ng Teachers’ Dignity Coalition na hindi dapat mawala ang dalawang buwang school break ng mga guro sa gitna ng plano ng Department of Education o DepEd na simulan ang in-person classes sa susunod na buwan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni TDC Chairman Benjo Basas na hanggang sa ngayon at hanggang sa August 12 ay nagtatrabaho pa rin sa mga paaralan ang mga guro dahil sa pinapagawa ng dating namumuno ng kagawaran.
Samantala, kabilang aniya sa mga ginagawa ng mga guro ang paghahanda sa ilang aktibidad tulad ng end of school year rites, pagpapasa sa DepEd ng mga dokumento para sa performance rating system ng mga guro, brigada eskwela at iba pa.