Inilarawan ni US Secretary of State Antony Blinken na constructive o produktibo ang kanilang naging pag-uusap ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, na naglalayong mapigilan ang paglala ng bilateral tension ng Estados Unidos at China.
Ayon kay Blinken, sa kabila nang ‘di pagkakaunawaan ng kani-kanilang mga bansa, tiwala siya na naging makabuluhan, matapat at mabunga ang naganap na pagpupulong na tumagal ng limang oras.
Hindi lamang aniya makabubuti para sa China at US ang resulta ng meeting kundi makatutulong rin ito para sa kaayusan ng bawat nasyon sa mundo.
Giit ni US Secretary of State na committed sila na mapanatili ang maayos na relasyon, kumpetisyon at diplomatikong pakikipag-ugnayan sa Beijing.